in

MUST READ: This Journalist has an open letter to Jimmy Bondoc

This 1500 words open letter to Jimmy Bondoc is truly worth reading

This Journalist has an open letter to Jimmy Bondoc

Lolito Go’s open letter to Jimmy Bondoc

The exchange of tweets between Angel Locsin and Jimmy Bondoc has been making rounds online for almost a week now.

Lolito Go's open letter to Jimmy Bondoc
Lolito Go’s open letter to Jimmy Bondoc

And while more and more Kapamilya and Kapuso artists are expressing their support to Angel Locsin, an opinion columnist Lolito Go recently shared his open letter to Jimmy Bondoc. Read on..

Jimmy Bondoc photo via ABS-CBN Entertainment News
Jimmy Bondoc photo via ABS-CBN Entertainment News

Dear Jimmy,

Una sa lahat, salamat. Isa ka sa mga inspirasyon ko noon kung bakit ako naging songwriter. Kahit boses kiki ka. Kahit naaalala ko pa kung gaano ka-awkward ang new wave mong hairdo na trying hard ma-associate kay Onemig Bondoc, na hindi mo naman kaano-ano. Kahit sobrang baduy mo pumorma, kaya ka nabasted ni Nina, who chose Nyoy Volante over you. Pero ngayon alam ko nang may mas malalim pala na dahilan si Nina. Naamoy ka nya. No, I’m not hinting about sexuality. There’s nothing wrong with being gay. But everything is wrong with being a bigot, with being sipsip, with being a political cocksucker. Don’t be sad, hindi ka naman kasi nag-iisa. You’re in good company. Ben Tulfo. Teddy Boy Locsin. Sass Sasot. Mocha. Jay Sonza. Robin Padilla. Just to name a few. Pare-pareho kayo ng diskarte. You wipe the president’s ass so you can get what you want. Pare-pareho kayong kumbinsido na walang katapusang party ang partido ng pangulo. Well, we’ve seen this quite a few times. There will be a hell to pay.

Punta na ako sa punto ko. You rejoice over the possibility na magsara ang ABS because of some assumptions that you raised:

1. ABS is a snake pit. In other words, maraming ahas sa loob ng istasyon.

Well, it is the case everywhere. Kahit saang workspace meron nyan. Actually, hindi mo na kailangan pang lumayo, just look around during your next cabinet meeting. Ipasara na rin ba natin ang Malacanang? Do I need to enumerate kung sino ang mga bumalimbing dyan for the sake of political convenience? You yourself is a snake. The fact that you support a regime of traitors makes you a traitor as well. Need I explain kung bakit kayo traydor? Anomalous deals with China. Mga mangingisdang tinataboy sa sariling teritoryo. Daan-daang libong illegal Chinese migrants na umaagaw ng trabaho sa mga Pinoy. Ang pagpayag ng gobyerno sa pagsira sa coral reefs at pagnakaw sa giant clams na ilang taon ding inalagaan ng mga scientist natin. Kayo ang mga ahas na pumepeste sa likas na yaman ng bayan!

2. “Success inside ABS is based on politics and sexual favors.

ART and CULTURE have been ruined by this network. Our moral fiber as a nation, too.”

Hiyang-hiya naman ako sa padrino system ng gobyernong kinabibilangan mo, Jimmy boy. Your position now, I am most certain, depended on political favors too. (I’m not sure about sexual favors though.) Marami kayo, si Ka Freddie, si Arnel Ignacio, si Mocha, si RJ Jacinto, etc. Kaya nga hindi na basehan ang competency at honesty eh. People are being appointed according to their willingness to become a “yes man” and sing praises to your egocentric lord. Dont get me wrong, I was a supporter too. I doubt any of you will ever remember. Sino lang ba ako? But anyway, I wrote a retraction letter and it went viral. As early as August 2016, I parted ways with Dutertismo. Kung kasing galing nyo lang ako mag-asslick at kung kasing tibay lang din ng sikmura ko ang sikmura nyo, malamang I could have also secured a post and reaped the benefits of “blinded loyalty.” But my loyalty belongs to reason, my loyalty belongs to justice, my loyalty belongs to the truth. My loyalty belongs to the moral fiber of this nation na binabanggit mo pero nakalimutan mo na ata ang ibig sabihin. Sino ba ang best example ng immorality sa bansang ito? Nakakahiya namang sa iyo pa manggagaling ang pag-invoke sa usapin ng “moral fiber” na iyan. How can you defend a president who curses the priests, the bishops, the Pope and even God? How can you take the side of a president who provokes drug addicts to steal from and murder Catholic bishops? How can you tolerate a president who insists that women are but sexual objects, who uses the term bakla and bayot in their pejorative sense to diminish his opponents? Paano mo nasisikmura ang pangulong ginagawang katatawanan ang panguluhan, oras-oras kung magmura, magsinungaling at maghikayat ng karahasan? Paano mo natatanggap ang mga salita ng pangulo laban sa mga rebeldeng kababaihan na inutos nyang barilin sa puki? Paano mo ipaglalaban ang pangulong hinihikayat ang mga sundalo na manggahasa ng babae bilang gantimpala? The rape jokes, his own admissions of rape, his demeaning rhetoric against women and the Church, his penchant for racist and homophobic comments. Everything he does erodes the moral fiber of this country and yet you support his endless pursuit of power by shutting down perceived critics, whose job by the way is to keep our democratic systems healthy?

3. “They have contests where the winners have been pre-determined, or are manipulated to suit the whims of the hidden bosses.”

This is also true with other networks. Irevoke na rin nating ang NTC licenses nila? There are certain contests na vulnerable talaga sa pulitika sa loob ng network. Capitalist reality iyan. Hindi maiiwasan yan, kahit sa mga MIss Gay Barangay level na contest merong manok si Kap, o may kursunada si konsehal. Pero you cannot generalize. Kami mismo ng asawa ko ang makakapagpatunay. Halimbawa na lang, sa Himig Handog, ang pinakamalaking songwriting contest sa bansa, we can attest to the impartiality of the contest. Wala kaming backer, we’re the dark horse. May mga kalaban din kami who were coming from the far side of the country at mga bagong sibol lang din. But we ended up as grand winner. Walang pulitika, walang sexual favors. I can say these things under oath!

4. “Their news is for sale, highest bidder gets the slant. And foreign groups are usually the victors.”

This is laughable. Need I remind you of Nic Gabunada, yung social media manager ng amo mo? Diba sya itong may network of more than 200 fake news sites, na recenty ay tinake-down ng Facebook because of “inauthentic behavior.” Dilawan siguro ang Facebook ano? Shet. Lest we forget, kayo ang nakinabang noon sa more than 5 million Facebook accounts na na-compromise ng Cambridge Analytica na nahuling nakikipag-meet kina Pompee La Vina at iba pang social media personnel ni Duterte. So sino ba talaga ang perpetrators ng fake news? Hindi ba ang PCOO at PNA? Hindi ba ang Mocha Uson Blog na naubusan na nang maishe-share na content makaraan ang crackdown ng Facebook sa mga malicious at ill-intended fake news ng mga miniom ng amo mo. Bias naman sa inyo ang lahat ng news outfits who dare to call you out eh. Rappler, Inquirer, ABSCBN, PCIJ, Vera Files pero ang international community panay ang pagbibigay ng mga parangal sa mga news outfit na ito. Dilawan kasi ang buong international community eh ano? Ipa-shut down na rin natin? You demand fairness from the press but you press them with trumped-up charges with all your legal might. You insist that might is right, we insist the opposite: right is might. Tandaan mo Jimmy, mapanganib sa kalusugan ng demokrasya ang isang panguluhan na walang kalaban. If you wanna shutdown a network and change its ownership so you can take control, it’s not journalism anymore. It’s propaganda. Ayaw naming maging North Korea. Tama si Angel Locsin, the network is imperfect. I myself have called out ABSCBN for quite a few times. Halimbawa, noong ipalabas nila ang MMK episode nina Ed Angara at Bong Go. Yung bullying incident sa isang Badjao sa PBB. Yung mga sexist remarks ni Noli De Castro. Among many other things. Pero kahit pagsama-samahin mo ang mga imperfections ng ABS, it is nothing compared to what it gives to Filipino people. At walang anumang dahilan, kahit gaano kabigat, para ipanalangin mo ang kamatayan ng isang institusyon na naging simbolo na ng pagbangon mula sa abo ng Martial Law.

5. “I AM EAGERLY AWAITING YOUR DEMISE. I know how this sounds. And I know the nasty comments which are bound to come. I don’t care. If you think COMELEC is bad, wait until you see the real machinery that is known as “the biggest network.”

This is not schadenfreude. This is hope! This is for real change. You have COUNTLESS VICTIMS, from sexual harassment to plain and simple bullying.

I am so happy that your time has come.”

Naniniawala naman ako na may mga sexual predator sa ABSCBN. Which is also the case with other networks. Kahit saang opisina at pabrika, may sexual predation. Blame it on the culture of impunity, blame it on the culture of victim-blaming. Mas malalim na sipat ang kailangan natin dito at hindi selective justice at myopic singling-out-on-the-enemy tactics ng mga sipsip na katulad ni Jimmy boy. Gagamitin ko rin ang lagi nyong sinasabi mga ka-DDS ha. Kung may legal weight ang accusations, bring it to the courts. File a formal complaint. Pucha naman, countless na rin ang mga namatay sa estupidong war on drugs pero kanta ka pa rin nang kanta ng mga papuri sa amo mong pinapanginoon ang sarili. Nakakadiri ka at ang mga katulad mong nag-aakalang walang katapusan ang inyong kapangyarihan.

Your time will come.

P.S.

I love you Angel Locsin. Muah.

Lolito Go is a Journalist, Poet, Radio Jock, Songwriter, Art Advocate, and an Opinion columnist at Subic Sun.

Also see: Top 10 Binibining Pilipinas 2019 Early Favorites

Leave a Reply

Loading…

0

Comments

Written by Markus Castro

A cat person by day and a writer by night. He loves to travel to his favorite destinations in Southeast Asia.

Conor McGregor reveals he is building houses for the homeless in Dublin

INTERESTING: UFC Star Conor McGregor Builds Homes For Homeless Families In Ireland

Manny Pacquiao vs. Keith Thurman photo via Keith Thurman Facebook Page

Manny Pacquiao vs. Keith Thurman: Everything You Need to Know